Nakapanayam ni CNN Philippines news anchor Pinky Webb ang kontrobersyal na drag queen na si "Pura Luka Vega" matapos itong salakayin ng kritisismo mula sa mga netizen, politiko, at sikat na personalidad dahil sa "Ama Namin remix" at paggaya kay Hesukristo sa isang drag art performance.
Nang tanungin ni Pinky sa "">The Source," diretsahang tumugon ng "Yes!" si Pura nang tanungin siya ng mamamahayag kung patuloy pa rin niyang gagayahin si Hesukristo sa kaniyang drag performance, matapos nga siyang durugin ng mga panlilibak at pang-ookray.
Aniya, matagal na niyang ginagawa ang nabanggit na drag art performance.
Humingi ng paumanhin si Pura Luka sa mga na-ooffend sa kaniyang ginawa, subalit pakiramdam daw niya ay nahusgahan din naman siya sa mga nangyari.
"I apologize if I made other people uncomfortable. But I also think that with the whole attention that was given to me, and with all the hate messages and all of that I feel like I also was unfairly judged. And I'm basically persecuted in a way," aniya.