Isa sa mga napag-usapan nina Luis Manzano at Pokwang sa vlog na "Luis Listens" ay ang itinuturing na "lowest points of 2023" ng komedyana.

Bagama't hindi direkta at nagbigay ng pahaging na wala nang "palee-goy, lee-goy," alam naman daw ng lahat na ang tinutukoy niya ay ang naunsyaming relasyon nila ng ex-partner at ama ni Malia na si Lee O'Brian.

Matatandaang naghain kamakailan ng deportation case si Pokwang laban kay O'Brian.

'Undesirable alien!' Pokwang nanindigang kailangang ipa-deport si Lee O'Brian

Hindi naman ito pinalagpas ni O'Brian at naghain din ng counter affidavit.

https://balita.net.ph/2023/06/26/lee-obrian-pumalag-lalabanan-deportation-case-ni-pokwang/

Aminado si Pokwang na hindi naman basta-basta maaalis sa kaniya ang pagmamahal kay "Lee."

“Pasensya ka na kasi iba 'yung culture mo, iba yung culture ko. May mga pagtatalo tayo na ang hirap ipaliwanag because of language barrier. Pasensya ka na rin kung- triny ko naman ipaglaban. Triny ko naman talaga. Ginawa ko lahat ng best ko para manatili kung ano yung meron tayo. I did my best, but I guess my best wasn't good enough," ani Pokwang.

"Pero gusto ko lang malaman mo, kung saan ka man naroon ngayon, I hope you’re happy and mag-ingat ka lagi. Hindi mo naman basta basta maaalis yun. Siyempre mahal pa rin kita kaya lang meron akong kailangang gawin para sa ikaliligaya ng sarili ko...” paliwanag pa ng komedyana.

Sa bandang dulo, nagbiro pa si Luis na ang pinatutungkulan nila ay ang South Korean superstar na si Lee Min Ho.

&t=372s