Usap-usapan sa social media ang video clips ng pag-awit ni Kapuso heartthrob David Licauco kung saan hinarana niya ang mga kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 coronation night noong Huwebes, Hulyo 13, 2023, sa SM Mall of Asia Arena.

"Wherever You Will Go" ang binanatan ni David sa mababang tono lamang.

Mapapansin daw sa mukha ni David na tila nahihiya at hindi siya komportable sa kaniyang ginagawa.

Mabuti na lamang daw at guwapo si David kaya kahit paano, natiis siyang panoorin ng pageant fans.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Jusko David buti na lang mahal kita at pogi ka…"

"Hahaha di talaga lahat binibigay ano..."

"Bakit kasi pinipilit pakantahin ang mga artistang hindi naman totoong mga singer."

"Inaantok na ko eh, pero dahil sa kanta mo David nagising ako. Keep it up! Waaahaha."

"Antok na raw kasi, late na rin natapos ang pageant hahaha."

"Poor thing. He clearly doesn’t enjoy doing it and was probably forced by his manager."

https://twitter.com/lilyganados/status/1679530878526193664?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1679530878526193664%7Ctwgr%5E085aec37b05a82d174b2d1acbf6ef59c1c3f3aab%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=http%3A%2F%2Fwww.fashionpulis.com%2F2023%2F07%2Fvideo-of-david-licauco-serenading-miss.html

Samantala, dahil dito ay muling "nakaladkad" ang isa pang Kapuso actor na si Luis Hontiveros matapos ding maokray dahil sa "sintunadong" pagkanta sa awiting "Jopay," matapos maimbitahang haranahin ang mga kandidata naman ng "Miss Pagadian 2023" noong Hunyo.

Kung ihahambing daw sa dalawa, mas nasa tono raw si David kaysa kay Luis.

https://twitter.com/LuvH3i6HTZ/status/1679531700764966912

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang tinatawag na "Pambansang Ginoo" tungkol sa intrigang ito.