Ipinagmalaki ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang kaniyang alagang si Herlene Budol, na nasungkit ang "Miss Tourism" sa katatapos na Miss Grand Philippines 2023.

Sa kaniyang appreciation Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 14, 2023, talaga namang inisa-isa ni Wilbert ang mga nakuhang parangal ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022, at sa katatapos na Miss Grand PH.

"All hardwork paid off" nga raw ang pakiramdam ni Wilbert sa lahat ng mga nahakot na special awards ni Herlene.

"Congratulations for a job well done Herlene Hipon Budol. Nakita mo naman yung resulta at naging outcome mo sa lahat ng effort at dedication natin at buong team. All Hardwork paid off," aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Proud kami sa lahat ng achievement at narating mo despite newbie at first timer ka last year sa Binibining Pilipinas nauwi mo ang 1st runner up & you (proved) yourself na kaya mo makipagsabayan sa mga veterans at repeater candidate makipag hampasan ng balakang sa swimsuit round mo ay Wow na Wow at naka uwi ka pa ng 8 Special award."

Nilista ni Wilbert ang mga parangal na nakuha ng alaga sa nabanggit na beau-con.

"Record breaking yung hakot award mo sa loob ng 58 yrs ng BBP. This year naman is your 2nd time sa National pageant ng Miss Grand Philippines at nakuha mo ang 3rd crown at 5 Special Award."

Dahil sa pagiging Miss Tourism PH ay nakahanda na raw sumabak sa training ang pambato ng Pilipinas.

Looking forward tayo sa laban ni Herlene sa international stage, the 32nd annual search for Miss Tourism World 2023 this coming November at sa London eto igaganap."

"Praying na makuha ni Herlene yung pangalawang korona para sa Pilipinas na mahigit dalawang dekada na walang Korona ang Pilipinas."

Bahagi pa ng FB post ang pagpapasalamat ni Wilbert sa mga indibidwal, grupo at sektor na malaki ang naitulong at ambag sa pagkapanalo ni Herlene.