Hinangaan ng mga netizen ang isang 72-anyos na magsasaka na nakatapos ng Senior High School sa Daantabogon National High School sa Cebu kamakailan.

Ibinahagi ng isang "Christian Saladaga" ang graduation photo ni Tatay Carlos Saladaga, na aniya'y labis niyang kinabiliban.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Christian, nilinaw niyang hindi niya kaanak si Tatay Carlos kundi kaapelyido lamang. Kahit na ganoon, napabilib siya sa ipinamalas na dedikasyon ni Tatay Carlos sa pag-aaral.

Pinatunayan daw nitong hindi hadlang ang edad upang matamo ang pangarap!

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Hindi po kasi gaano kakilala si Tatay, isa po akong operator ng sound system during the graduation day nila tapos I was shock and amazed noong nakita ko si Tatay na umakyat sa stage, nakasuot ng toga, at mas lalo po akong na-amazed nang nalaman kong magparehas kami ng apelyido," paliwanag ni Christian.

Samantala, ang alkalde naman ng bayan na si Mayor Francis Salimbangon ay nagpaabot ng pagbati para sa graduate.

"Carlos Saladaga, more popularly called as 'Tatay,' is a 72 year-old student from Muabog, Tabogon who, despite his old age, continued his education and has just graduated Señor High School in Daantabogon National High (School)."

"Tatay Carlos hopes to pursue (an) Agricultural course to teach techniques to farmers. Truly, Tatay Carlos is an inspiration to all of us to keep on going on. Congratulations, Tatay Carlos!" pagbati pa ng punong-bayan sa kaniyang Facebook post.

Batay nga sa graduation photo ng lolo graduate, balak niyang maging isang agriculturist.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!