Matapos ang isang buwang pananatili sa ospital, na-discharge at nasa mabuti nang kalagayan ang apat na batang natagpuan sa kagubatan sa Colombia kung saan sila nawala sa loob ng 40 araw, ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes, Hulyo 14.

Naiulat kamakailan na nawala sa gubat ang apat na batang sina Lesly (13), Soleiny (9), Tien Noriel (5) at baby Cristin (1), orihinal umanong nagmula sa Uitoto Indigenous group, matapos bumagsak ang Cessna 206 na sinasakyan nila noong Mayo 1.

Natagpuan sa crash site na wala nang buhay ang kanilang ina, ang piloto, at isang kamag-anak na nasa hustong gulang. Doon na naideklarang nawawala ang mga bata bago magtagpuang buhay matapos ang 40 araw.

MAKI-BALITA: 4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng Colombian Family Welfare Institute na na-discharge na sa ospital ang apat na bata noong Huwebes, Hulyo 13.

"They have recovered... weight, they are actually very well," saad ng institute director na si Astrid Caceres sa ulat ng AFP.

Anim na buwan umanong sasailalim ang mga bata sa kustodiya ng Colombian Family Welfare Institute, habang sinisiyasat naman ng mga awtoridad ang background ng kanilang pamilya.