“What do you expect? It’s a work of fiction.”

Ito ang sagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isyu ng umano’y “boundary line” na makikita sa ilang mga eksena ng pelikulang “Barbie.”

“‘Yung sinasabi nila, ‘yung kasama doon sa 'yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon: What do you expect? It’s a work of fiction,” saad ni Marcos habang nasa kaniyang official engagements sa Northern Samar nitong Biyernes, Hulyo 14.

Sinabi ito ng Pangulo matapos ang kumalat na kontrobersiya hinggil sa paglalarawan ng isang mapa na nagpapakita ng umano'y pag-aangkin ng teritoryo ng China sa South China Sea sa pamamagitan ng tinatawag na “nine-dash line.”

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dahil sa naturang linya na makikita umano sa Barbie, inihayag kamakailan ng bansang Vietnam ang pag-ban nito sa pelikula.

Naging dahilan naman ito ng pag-anunsyo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) noong Hulyo 4 na susuriin nito ang pelikula.

MAKI-BALITA: ‘Matapos i-ban ng Vietnam’: Pelikulang ‘Barbie’, sinuri ng MTRCB

Samantala, noon lamang Martes, Hulyo 11, lumabas ang isang liham na nagsasaad na inaaprubahan ng MTRCB ang pagpapalabas ng Barbie sa Pilipinas.

“The Board believes that, all things considered, it has no basis to ban the film ‘Barbie’ as there is no clear nor outright depiction of the ‘nine-dash-line’ in the subject film,” anang MTRCB.

MAKI-BALITA: MTRCB, inaprubahan ang pagpapalabas ng ‘Barbie’ sa ‘Pinas

Nakatakdang magbukas ang “Barbie” sa Philippine cinemas sa darating na Hulyo 19.