Hindi pa rin napanalunan ang milyun-milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Hulyo 14.
Sa official draw results ng PCSO, walang matagumpay na nakahula sa winning numbers ng Ultra Lotto na 15-37-02-48-22-51 na may kaakibat na P49,500,000 na premyo.
Wala ring nanalo ng P36,918,981.80 na jackpot prize ng Mega Lotto matapos na 'di mahulaan ang winning numbers na 43-12-08-41-15-16.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang jackpot prizes sa susunod nitong bola.
National
VP Sara supporters, dumagsa sa Davao City para sa 'Inday Sara Duterte 2028 Movement' rally
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola kada Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Mega Lotto 6/45 ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.