Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga binahang residente ng El Nido, Palawan nitong Huwebes ng gabi.

Sa report ng PCG Station Northern Palawan, sinuong ng mga tauhan nito ang rumaragasang tubig-baha upang mailikas ang mga residente ng Barangay Corong-Corong dakong 9:00 ng gabi.

Tumulong din sa isinagawang rescue operation ng Coast Guard ang mga tauhan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng El Nido.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng makaranas ng pagbaha at landslide ang malaking bahagi ng bansa dahil na rin sa umiiral na southwest monsoon

Nitong Huwebes, kabilang lamang ang Palawan sa nakaranas ng matinding pag-ulan na naging dahilan ng pagbaha.