Amidado ang actress na si Iza Calzado na nahirapan siyang tanggapin ang kaniyang “postpartum body” matapos manganak sa una niyang supling na si Baby Deia Amihan.

Sa Instagram post ni Iza nitong Miyerkules, Hulyo 12, bukod sa pahapyaw na pakikipagkulitan niya sa anak, mapanonood sa video ang kaniyang “home workout” na kapansin-pansing pursigido at determinado.

Ayon kay Iza, aminado talagang nahirapang tanggapin ang “postpartum body” na siyang nagdudulot ng pagkadismaya sa pagtanggap niya sa kaniyang sarili.

“It has taken me some time to post a workout video even if I started training in March. To be honest, I have been struggling to fully embrace my postpartum body. It’s a bit of a rollercoaster ride, really. I have my good days when I celebrate it for carrying and birthing to and now taking care of a child. Then there are those moments that leave me feeling frustrated even after years of working on loving and accepting myself,” aniya.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Sinabi pa ni Iza na bagong kabanata na iyon ng kaniyang katawan at kung ano man ang maging resulta ng bagong pagsubok sa kaniya, ang mahalaga ay na-enjoy niya ang naging proseso.

“This is a new chapter in my body and self love journey. So I will choose to reframe the anxiety and turn it into excitement. Grateful for this new challenge and can’t wait to see where my hard work will take me. Whatever the outcome, what matters is I enjoy the process, dagdag pa niya.”

Sa huli, tila naging palatandaan kay Iza ang naturang video na magpapaalala sa kaniya ng kaniyang journey sa pag-iimprove ng katawan.

“So here I am posting this to remind myself that no matter the size of my body, it is worthy of taking up space on my feed. It is also a way for me to honor where I am at, physically and mentally. Mahaba haba pa ang biyahe pero darating din tayo dun. Tuloy lang. Laban lang! ⚡️⚡️, huling sey ni Iza.

Maraming kapwa celebrities at netizens naman ang nagbigay ng suporta sa kanilang komento:

“At panibagong biyahe ulit ang menopause luv. Surrender, embrace, allow, celebrate, but nurture...nurture...and more nurture. It's not something to conquer - not in the least bit. Never conquer. Just love. Only love.”

“You birthed a beautiful human, and your body reflects that!”

“FOREVER INSPIRATION!!”

“Your courage and determination now enhanced by mama love and passion for being your truest and best is always present. Even in the crappiest of moments is still a beneficial learning moment of your being.”

“YAS YAS and YAS!!! Proud of you Momma!”

“We are exactly where were meant to be. Proud of your evolution Iza!!! Love you!!!”

“Beautiful Mama. Stay safe and healthy. Miss you!”

Gumamit naman si Iza ng #theloverevolution bilang bahagi sa caption ng kaniyang Instagram post.