SARIAYA, Quezon -- Patay sa saksak ang 24-anyos na driver dahil sa nangyaring gulo sa Palmas Verdes Subdivision, Barangay Concepcion 1 sa bayang ito, noong Huwebes, Hulyo 13. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynante Rance Jr. ng Barangay Tubigan, Unisan, Quezon.

Lumalabas sa imbesigasyon, ang suspek na si Niel Rhyan Peña, 20, ng Barangay Concepcion Pinagbakuran dito, ay bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan kasama ang kaibigang si Josel Reyes nang biglang dumating ang biktima at sinapok sa ulo si Reyes at paulit-ulit pa umanong sinuntok.

Bumunot ng fan knife si Rance subalit mabilis itong naagaw ni Peña at pinagsasaksak siya sa iba't ibang bahagi ng katawan. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit ito ay idineklarang ng patay. Naaresto naman ang suspek. 

Samantala, inihahanda ng pulisya ang kaukulang reklamong kriminal laban sa suspek.