Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 14, na bumilis ang Bagyong Dodong habang kumikilos ito pa-kanluran at sa kasalukuyan ay nasa karagatan na ng Laoag, Ilocos Norte.
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang mata ng Tropical Depression Dodong sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte na may maximum sustained winds na 45 kilometer per hour at pagbugsong 75 kilometer per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour.
Naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
Apayao
Ilocos Norte
Abra
Ilocos Sur
Mountain Province
Kalinga
Hilagang bahagi ng Isabela (Mallig, Quezon, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, San Pablo, Maconacon)
“DODONG is forecast to move westward or west northwestward before turning generally northwestward over the West Philippine Sea until it exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Sunday early morning,” anang PAGASA.
Maaari umanong maitaas ang Bagyong Dodong sa tropical storm category bukas, Hulyo 15, habang nasa West Philippine Sea.