Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:04 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 54 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 48 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.

National

PAGASA, may namataang bagong LPA sa labas ng PAR

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.