Marami ang naantig sa Facebook post ni Edgie Mae Lumawag, 25 mula sa San Carlos City, Negros Occidental, tampok ang nasilayan niyang paggawad ng mga guro ng “Security Guard Award” sa isang asong nagbabantay raw sa kanila sa paaralan.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Lumawag na ang naturang 5-taong gulang na asong si “Janjan” ay masugid na nagbabantay at nakakasama ng mga guro sa Codcod Elementary School Extension-Nagalao.

“Maalalahanin po, tagabantay ho talaga siya ng mga guro. Siya po ‘yung naghahatid sundo ng mga ito at nagbabantay mula umaga hanggang gabi,” kuwento ni Lumawag.

Kapag naman walang pasok sa paaralan, umuuwi daw rin si Janjan sa bahay ng kaniyang orihinal na fur parents.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Samantala, natunghayan daw ni Lumawag ang paggawad sa nasabing loyal dog ng parangal nang dumalo siya sa recognition ng kaniyang anak na “With Honors.”

“Sobrang tuwa po kaming mismong mga dumalo [at] shock, akalain mo aso, binigyan ng award,” aniya.

Maging ang netizens ay natuwa rin sa pagbibigay ng award kay Janjan.

Narito ang ilang komento ng netizens: 

“Congratulations! Our little Jan2 the ever loyal friend, playmate and sunshine sa mga teachers sa Nagalao..”

“Congratulations, Dogie

Ka nice bah uieee

Kudos to the teachers for acknowledging Dogie’s effort, God bless y’all!”

“Nkakaproud nman ang baby na yan 🥰 ♥️.”

“Ang aso pag pinakitaan mo sila nang maayos, ibabalik din nila yan sa iyo kasama ang sukli...kaya nga man’s bestfriend sila…”

“Very good naman na dog yan! deserve mo ang appreciation 💜💜💜.”

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 17,000 reactions, 674 comments, at 14,000 shares sa naturang post ni Lumawag.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!