Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City -- Arestado ang isang registered medical technologist na kawani ng gobyerno sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit-Provincial Intelligence Unit (PDEU-PIU) at Tuguegarao City Police Station sa lugar ng Capatan ng probinsiyang ito, noong Huwebes, Hulyo 13.

Ang babaeng suspek ay kinilala bilang alyas "Xander," 35, residente ng nasabing lugar.

Kinokonsidete si Xander bilang Regional Priority 1- sa Rehiyon II. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska sa kaniya ang apat na pack ng umano'y shabu na may timbang na 10 gramo at halagang P70,000. Bukod dito, narekober din sa kaniya ang iba pang drug paraphernalia kabilang ang cellphone, tatlong disposable lighters, improvised burner, gunting, roll aluminum foils, salamin sa mata, at marked money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuguegarao City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.