Ibinahagi ng actress-singer na si Maymay Entrata ang sakripisyo at mga pinagdaanan niya bago maging parte ng 1MX.

Sa Instagram post ni Maymay nitong Huwebes, Hulyo 13, makikita ang mga video at larawang kuha sa kaniya bilang isa sa performers sa “1MX” na ginanap noong Hulyo 8 sa Silverworks Island, London.

Ayon kay Maymay, hindi niya raw talaga inakalang magiging bahagi siya ng naturang event dahil hindi naman siya pinanganak na marunong nang kumanta.

“My first ever 1MX experience.. I never thought I’ll be part of this event po talaga.. I wasn’t born na kumakanta na,” aniya.

National

Marce, lalo pang lumakas habang papalapit na sa Northeastern Cagayan

Pero dahil sa pagsikat ng kanta niyang "Amakabogera," doon na niya chinallege ang sarili kung paano kumanta.

“But 2 years ago, dahil sa ‘amakabogera,’ I challenged myself to learn how to sing.. it wasn’t an easy journey kasi I started from scratch po.. piyok doon, piyok dito, kulang na lang kaboses ko na po si squeaky duck 😂,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Maymay ang marami niyang pagdududa sa sarili na parang gusto niya na lang daw sumuko.

“I had many doubts and felt like giving up, but God gave me the confidence to keep going and focus on my craft, allowing me to grow as an artist. Hindi man perpekto, pero I am grateful kasi alam ko I am a work in progress at patuloy akong matuto upang maibigay ang best ko para sa mga taong naniniwala sa akin,” ani Maymay.

Sa huli, may binigay pang mensahe si Maymay para sa mga taong gusto ring i-develop ang kanilang talento.

“For those who want to develop their skills and talent, never give up. Patuloy niyong buksan ang inyong sarili para matuto at maging magaling sa mga bagay na gusto niyong gawin,” huling sey ni Maymay.

Maraming kapwa celebrities at netizens naman ang nagpaabot ng kanilang suporta na nagbigay-komento:

“So so proud of you!! Thank you for gracing our stage and absolutely putting on an amazing show! You did that friend! See you in Sydney!”

“Congrats, Maymay!!! So very proud of you!!!”

“One of the most hardworking people I know.”

“MOST PROUD OF YOU,  loving you.”

“CONGRATS MAAAAY!!! Never doubted you for one second. Since The Dream, I’ve rooted for you!!! Love you!!!”

“CONGRATS ATE MAYYY!”

Magiging bahagi ulit si Maymay ng “1MX Music Festival” bilang isa sa performers na gaganapin sa Oktubre 8, 2023 sa Australia.