BATANGAS CITY -- Inaresto ng awtoridad ang tatlong notoryus na tulak ng droga at nakumpiska ang ₱510 milyong halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation nitong Biyernes, Hulyo 14, sa Barangay Libjo dito. 

Ayon sa ulat ni Batangas police director Police Col. Samson Belmonte kay Police Regional Office 4-A director Police Brig. Gen. Carlito Gaces, kinilala ang mga suspek na sina John Paulo Reyes, Eligio Mauhay, at Royland Manalo.

Sinabi ni Belmonte na sina Reyes at Mauhay ay mga high-value individual habang si Manalo ay street-level individual. Sila ay pawang mga nakalista sa drug watch ng Batangas City police.

Naaresto ang mga suspek matapos magbenta ng ₱100,000 halaga ng umano'y shabu sa police poseur-buyer. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska rin sa mga suspek ang tatlong cellphone, ₱300 cash, at sasakyan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.