Umaani ng katakot-takot na kritisismo ang drag queen na si "Pura Luka Vega" matapos kumalat sa social media ang tila pag-portray kay Hesukristo.

Makikitang sa kumakalat na video na ini-upload niya sa Twitter account, umaawit ng "Ama Namin" remix ang mga taong nanonood sa kaniyang performance.

"Thank you for coming to church," mababasa sa kaniyang tweet kalakip ang video.

https://twitter.com/ama_survivah/status/1678075505382408195

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizen dahil ang "Ama Namin" ay isang sagradong dasal lalo na sa mga Katoliko, at hindi raw ito basta-basta dapat ginagamit sa isang drag performance.

Marami sa mga netizen ang nagsabing "blasphemous" ang nabanggit na akto.

"Prayer is not entertainment. The mass is not a costume party. The church is not a club."

"This is too much. Lord's Prayer talaga?"

"We know this is offensive to religious pips, so why do we resort to this kind of entertainment? I know they have offended us many times due to their religion, but aren't we doing the same with this kind of gesture? Those people will hate us more, instead of them listening to us."

"Not worthy of respect if you disrespect other people's beliefs."

"Saw this sa Twitter alter. They’re singing 'Ama Namin.' I cringed & had to stop viewing it. If we, gay people, want respect, respect religion, no matter what it is- Catholic, Protestant, Muslim etc. I read the comments & quite frankly, the LGBTQIA+ is in need of spanking!"

Samantala, nagpaliwanag na rin ang drag queen matapos salakayin ng kritisismo dahil sa kaniyang drag art performance.

"I'd like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone. On the contrary, it is a drag art interpretation of worship. I was very intentional of using a specific song and symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion," aniya sa ipinadalang mensahe sa ABS-CBN News.

Noong Mayo 16 ay nag-post na rin ang drag queen sa kaniyang Instagram account ng tila panggagaya niya raw kay Hesukristo sa saliw ng "Bounce When She Walk" na umani na rin ng kritisismo mula sa mga netizen.

http://