Inihayag ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) na iniimbestigahan na nila ang insidente ng umano’y paghagis ng isang security guard sa tuta mula sa footbridge na nagkokonekta sa SM North EDSA The Block at Trinoma kamakailan.

Sa isang memorandum na inilabas nitong Miyerkues, Hulyo 12, sinabi ni PNP-SOSIA Chief PBGEN Leumar Abugan na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at nakipag-ugnayan na rin sa Private Security Agency na may hawak sa security guard.

No photo description available.

Courtesy: Supervisory Office for Security and Investigation Agencies - SOSIA/FB

“We will look as to the extent of administrative culpability of the Security Guard including the Private Security Agency that he is connected with,” ani Abugan.

Eleksyon

BUHAY Partylist 2nd nominee Bullecer, saludo sa mga mambabatas na pumirma ng impeachment ni VP Sara

Nagsasagawa na rin umano ng inspeksyon ang mga tauhan ng Enforcement Management Division ng kanilang opisina, at pagkatapos ay maghahain daw sila ng mga kinakailangang “administrative complaint” laban sa security guard at Private Security Agency nito.

Sakaling mapatunayan na may paglabag sa polisiya ng PNP-SOSIA, ayon kay Abugan, maaaring suspendihin o bawian ng lisensya ang mga sangkot sa insidente.

“The PNP condemns all acts of animal cruelty ang there is no place of such acts in this civilized society,” ani Abugan.

Kuwento ng nakasaksi sa insidente, nangyari ang paghagis ng guwardiya sa tuta mula sa footbridge nang mabigo siyang mapaalis doon ang mga batang nag-aalaga rito.

Agad naman umanong idinala ang tuta sa pinakamalapit na beterinaryo, ngunit sa kasamaang palad, dead on arrival ito dahil sa brain damage at internal bleeding.

Samantala, inihayag management ng SM North Edsa nitong Miyerkules, Hulyo 12, na sinisante na nila ang nasabing guwardiya at hindi na umano ito maaaring magserbisyo sa alinmang mall sa bansa.

MAKI-BALITA: Security guard na naghagis ng aso mula sa footbridge, sinisante

Sinabi naman ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na magsasampa sila ng kaso laban sa naturang sekyu.

MAKI-BALITA: PAWS, kakasuhan security guard na naghagis ng aso mula sa footbridge