Matapos umani ng katakot-takot na kritisismo mula sa mga politiko, iba't ibang personalidad, at netizens ay ipinaliwanag ni dating "Drag Den Philippines" contestant na si Pura Luka Vega ang kaniyang panig hinggil sa isyu.
Aniya, wala umano siyang intensyong maka-offend ng kahit na sinoman. Ang kaniyang ginawa ay isa umanong "drag art interpretation of worship."
"I'd like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone."
"On the contrary, it is a drag art interpretation of worship. I was very intentional of using a specific song and symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion," aniya sa ipinadalang mensahe sa ABS-CBN News.
Dahil dito, trending sa Twitter ang kaniyang pangalan, si "Jesus Christ," "Ama Namin," at "Blasphemy."
Bagama't umani ng mga batikos, may ilan ding nakukuha ang kaniyang punto at dumedepensa sa kaniyang panig.
"pura luka is always giving talaga! mabuhay ang baklang hesu kristo!!!"
"I just hate how this might be weaponized against the SOGIE bill. The action of one or a few, does not represent the rest or the entire LGBTQIA+ community. Also, I know people would say stop defending an oppressive religion but 2 wrongs does not and never will make it things right."
"Go lang"
"HAHAHAHA this people really making a big deal about this,,but didnt make a fuss nung straight people ung gumawa nung "Ama namin"/"papuri sa diyos" remix nila Lol."
"I think wala namang masama kung depiction lang ito ng representation ni Jesus Christ sa buhay ng mga queer."