Nag-donate ng ₱2 milyon ang pamahalaang panlalawigan ng Masbate sa Albay upang matulungan ang libu-libong inilikas na residente na apektado ng tumitinding pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagkaroon ng turnover ceremony sa ginanap na flag-raising nitong Lunes sa bisinidad ng Albay Capitol kung saan personal na tinanggap nina Albay Governor Edcel Lagman at Provincial Treasurer Mayflor Atos-Deang ang tseke na nagkakahalaga ng 

₱2 milyon mula kay Masbate Provincial Treasurer Eduardo Arcenas.

"Maraming salamat po, Governor Tony Kho of Masbate, for your two million donation to the province of Albay. I will equitably distribute this amount to all the affected LGUs of the Mayon seismic activity," ayon naman sa Facebook post ni Lagman.

Nauna nang sinabi ng provincial government ng Albay na mauubos na ang inilaang pondo para sa mga apektadong residente kaya plano nilang humingi ng tulong sa national government.

Mahigit na sa 20,000 indibidwal ang nananatili pa rin sa mga evacuation center sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkan, ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).