Hindi nagustuhan ng ilang mga politiko at personalidad ang trending na video ng drag queen na si "Pura Luka Vega" matapos gamitin ang dasal na "Ama Namin" sa kaniyang drag art performance kamakailan.
Sa video, makikitang nag-aawitan ng Ama Namin remix ang mga manonood at masayang nakikisali naman sa kanila ang drag queen, na dating kalahok sa "Drag Den Philippines."
Hindi lamang mga netizen ang nagpaulan ng katakot-takot na komento laban kay Vega kundi maging ang mga politiko at ilang kilalang personalidad.
Isa na rito ang senador na si JV Ejercito, na aniya ay isang "blasphemous" ang nabanggit na akto.
"This is blasphemy. This disrespects my faith. This went overboard," ani Ejercito kalakip ang viral video ni Vega sa Twitter.
https://twitter.com/jvejercito/status/1678968144239665153
Ang GMA headwriter na si Suzette Doctolero, na siyang nagsulat ng kauna-unahang LGBTQIA+ themed series na "My Husband's Lover" na pinagbidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo ay nagbigay rin ng saloobin tungkol dito.
"1. Artists have the privilege to dissect themes from cultures and beliefs not our own but we should always be held liable for how we depict these. Uunlad ba ang humanity at isip ng kapwa tao, sa art o content na gagawin? Nag iinspire ba ito sa kapwa? Para maging mabuting tao?"
"2. O ito ay nakaka offend ng anumang beliefs? Ng ating kapwa? Blasphemous para sa akin ang depiction sa Lord’s Prayer. But hindi pa rin nito mababago ang aking suporta sa sogie bill at sa buong lgbt community."
"3. Yung ginawa nung drag performer ay provocative art. Offensive talaga ang technique na ito. Dahil dito, kaya nagtagumpay ang “artist” na magkaroon ng debate sa ginawa niya kasi yun naman ang purpose ng artform na ito, ang magkaroon ng debate."
"4. So ito ba ay offensive? Yes. Offensive talaga at di ko gets why may mga nagdedeny na offensive ito. E offensive nga. At yun nga ang point ng provocative art. Ang maging offensive para itaas ang usapin o debate."
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1679054066792673280
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1679054450214998016
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1679056604568903680
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1679063852267503617
Maging ang Representative ng 1st District of Bataan at advocate ng LGBTQIA+ community na si Geraldine Roman ay hindi nagustuhan ang nabanggit na drag performance.
"For the information of everyone, hindi po maaring gamitin ang Sogie Equality Bill upang i-justify o pawalang-sala ang pilit na pagpapahubad ng ibang tao sa isang bar, ang violence, ang paglaban sa autoridad o ang isang walang-galang na drag performance na lumalapastangan sa mga bagay na sagrado."
"Sa katunayan walang probisyon sa panukalang batas na ito na magpapawalang bisa sa mga kasalukuyang batas ukol sa physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, direct assault o ang Art. 133 ng Revised Penal Code on offending religious feelings."
"Uulitin ko po, ang Sogie Equality Bill ay simpleng anti discrimination bill na tanging layunin ay labanan ang diskriminasyon sa workplace, learning institutions, in the delivery of government services and access to public spaces and accomodations."
"Paalala din po sa mga miembro ng LGBT+ Community, always remember that each and everyone of us carries the rainbow flag so dapat let us always do good dahil kapag isang LGBT+ ang nagkamali sa lipunan buong komunidad ang hinuhusgahan. Let us not do our own community a disservice. Umayos tayo! We have everything to gain if we do good or even better," mababasa sa kaniyang latest Facebook post.
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng paliwanag sa kaniyang panig si Vega.
"I'd like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone."
"On the contrary, it is a drag art interpretation of worship. I was very intentional of using a specific song and symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion," aniya sa ipinadalang mensahe sa ABS-CBN News.
Dahil dito, trending sa Twitter ang kaniyang pangalan, si "Jesus Christ," "Ama Namin," at "Blasphemy."