“I wish for self-reflection, compassion and healing for both the religious and LGBTQIA+ communities.”

Itinuring ni Senadora Risa Hontiveros na “regrettable” ang kontrobersyal na “Ama Namin” drag performance ni Pura Luka Vega, ngunit hindi umano dapat ito maging hadlang para isulong ang kapakanan ng LGBTQIA+ community.

“As a woman of faith, I admit I personally find this regrettable. Alam ko madami ding miyembro ng LGBTQIA+ community, persons of faith among them, find this regrettable,” pahayag ni Hontiveros nitong Huwebes, Hulyo 13.

Gayunpaman, iginiit din ng senadora na hindi dapat ito maging dahilan para tanggihan ang karapatan ng LGBTQIA+ community.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“I also caution against the use of this incident to deny rights and protections to a community that has long been marginalized and excluded,” ani Hontiveros.

“I wish for self-reflection, compassion and healing for both the religious and LGBTQIA+ communities. Our platforms should build bridges.

"The struggle for SOGIE Equality continues," saad pa niya.

Mabilis na kumalat sa social media ang video clip ng performance at tila pag-portray ni Pura Luka Vega kay Hesukristo matapos niya itong i-upload sa kaniyang Twitter account.

“Thank you for coming to church,” saad pa ng drag artist sa kaniyang tweet kalakip ang video.

[embed]http://twitter.com/ama_survivah/status/1678075505382408195?s=20[/embed]

MAKI-BALITA: ‘Sining o blasphemy?’ Drag queen Pura Luka Vega binatikos dahil sa ‘Ama Namin’

Matapos ang naturang “Ama Namin” drag performance, pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ang mga gawain sa mga banal na pagdiriwang ng simbahan ay isang pagkakataon para makipag-ugnayan sa Panginoon.

MAKI-BALITA: CBCP official kay Pura Luka Vega: “May God have mercy on him”