Naantig ang damdamin at hinangaan ng mga netizen ang isang buntis na guro mula sa Sorsogon City matapos nitong makisayaw sa ilang pupils na nagtatanghal sa entablado ng paaralan dahil sa isang palatuntunan.

Saludo ang mga netizen kay Ma'am Rachel Belaro, Teacher I sa kindergarten ng Bibincahan Elementary School, Sorsogon City, dahil siya ang naging kapareha ng isang lalaking mag-aaral na mag-isang sumasayaw sa harapan.

Upang hindi maalis sa grupo ang bata, si Ma'am Rachel na lamang ang pumartner dito.

"As a kinder teacher po.. everytime na may activity sa school lagi kong sinasali sa mga presentation ang mga bata to develop their talents and self confidence and to experience to perform on stage," ani Ma'am Rachel sa eksklusibong panayam ng Balita.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"At sa lahat ng performance nila I always there, minsan sa harap nila nakikisayaw/kanta kasabay nila... gusto ko kasi na nakikita nila ako tuwing magpeperform sila mamali man sila, nariyan ako to guide them."

"Kaya ito pong viral presentation namin ay hindi ko inaasahan..."

"Nakita ko kasi sa reaksiyon ng pupil ko na wala siyang kapartner sa pagsayaw... nag-worry ako na baka hindi na s'ya sumayaw at umiyak sa stage."

"So ang ginawa ko, pag-akyat nila sa stage tinanong ko s'ya if gusto n'ya na ako na lang kapartner... pumayag naman s'ya kaya hindi ako nagdalawang-isip na sumayaw, kahit mali-mali ang steps ko..."

"As a teacher I need to save/rescue them, as their second mother hindi ako papayag na sila ay pagtawanan at mapahiya," anang guro.

Hindi raw makapaniwala ang guro na magba-viral sa social media ang kuhang video ng kanilang dance presentation.

"Nagulat/hindi ko lubos maisip na ang simpleng pagtulong ko sa aking estudyante ay maraming naka-appreciate. Sobrang saya/tuwa hindi lang para sa sarili ko pati na rin sa pupils ko."

May mensahe naman si Ma'am Rachel sa mga kapwa guro, lalo na sa mga nagtuturo sa kindergarten at pre-school.

"Mahirap maging teacher especially sa mga 5 year-old pupils... makulit, iyakin... minsan mahirap amuhin pero if you really love teaching makakaya lahat," aniya.

"Salute to all dedicated teachers na gagawin lahat para sa kaniyang mga mag-aaral," dagdag pa niya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!