Bagamat dismayado, walang plano ang maimpluwensiyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magsampa ng reklamo laban kay Puka Luka Vega, kaugnay ng kontrobersiyal na ‘Ama Namin’ drag performance nito.

Aminado si Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Commission on Public Affairs, na dismayado sila nang gamitin ni Vega ang isang banal at biblical prayer at mag-costume pa ng Hesukristo, para sa entertainment purposes lamang.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Secillano na sapat nang naiparating nila sa publiko ang kanilang mensahe at wala aniya silang planong gumawa ng legal na hakbang laban kay Vega.

Hindi rin aniya nila pinipilit si Vega na humingi ng paumanhin sa Catholic community sa kanyang ginawa ngunit nais nilang ipaabot dito na ang kanyang ginawa ay maling-mali at kawalan ng respeto sa relihiyong Katoliko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Palagay ko yung ganitong mga bagay, sapat na muna na naiparating namin yung mensahe at na-address namin yung publiko. Palagay ko yung mga legal na hakbang wala pa naman sa horizon," ani Secillano, sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

“Hindi natin pinipilit yung paghingi ng apology kasi unang-una meron naman daw siyang motive dito na hindi makapanakit na hindi makapang-mock,” aniya pa. “Ang point lang natin dito [ay] kinakailangan malaman niya at ma-realize niya that what he did is totally wrong and totally disrespectful.”

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2023/07/13/cbcp-official-kay-pura-luka-vega-may-god-have-mercy-on-him/

[embed]https://balita.net.ph/2023/07/13/cbcp-official-kay-pura-luka-vega-may-god-have-mercy-on-him/[/embed]