Pinaalalahanan ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya nitong Huwebes na ang mga gawain sa mga banal na pagdiriwang ng simbahan ay pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon.

Ang mensahe ay ginawa ni CBCP-Commission on Liturgy Chairman, Capiz Archbishop Victor Bendico, kaugnay sa ‘drag art performance’ ni Pura Luka Vega kung saan nagsuot umano ito ng damit ng Panginoong Hesukristo sa isang party habang inaawit ang rock version ng "Ama Namin."

Ayon kay Abp. Bendico, hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng pambabastos sa Panginoon.

Giit pa niya, ang dapat na gawin ng mga mamamayan ay isabuhay ang mga gawaing makapagpapabanal ng tao.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"May God have mercy on him. The sacred liturgy is a sacred celebration where God encounters His people thru His word and the sacraments. The liturgical celebrations of the Church should glorify God at hindi babastusin ang Diyos. They are meant to sanctify people at hindi mambabastos ng mga tao," pahayag pa ni Abp. Bendico sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Sinabi pa ng arsobispo na kapiling ng tao ang Panginoong Hesus sa mga pagkakataong nagkakatipon sa banal na pagdiriwang kaya't ang paggamit ng mga kasuotan at panalangin na hindi angkop sa pagdiriwang ay isang malaking kalapastanganan.

"God is present there whenever the word of God is read, through the person of the minister, whenever people are gathered in His name and in the Body and Blood if Christ. These teachings alone of the Liturgical Constitution of Vatican 2 are clear indications that the liturgical celebrations should be respected. They are celebrations of the Church and not of individual persons who make fun of them to attract attentions. They glorify God and sanctify people," aniya.

Kaugnay na Balita: Ilang politiko, personalidad umalma sa ‘Ama Namin’ remix ni Pura Luka Vega

[embed]https://balita.net.ph/2023/07/13/ilang-politiko-personalidad-umalma-sa-ama-namin-remix-ni-pura-luka-vega/[/embed]