“I am here to honor a patriot.”

Ito ang mensahe ni Vice President Sara Duterte sa World War II veteran na si Teofilo Gamutan na nagdiwang umano ng kaniyang ika-100 kaarawan sa Davao City nitong Lunes, Hulyo 10.

Sa kaniyang birthday message, sinabi ni Duterte na hindi kailanman malilimutan ang naging serbisyo ni Gamutan sa panahon ng World War II.

“I am here to honor a patriot. To celebrate the life of a man whose sacrifices, selflessness, and love of our country brought us our freedom as a country and sharpened our values as a nation that cradled noble heroes,” saad ni Duterte.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Inihayag naman ng bise presidente sa kaniyang Facebook post na isang malaking karangalan para sa kaniya na maimbitahan sa naturang selebrasyon ng kaarawan ni Gamutan.

“Huwag sana nating kalimutan ang mga taong katulad ni Sir Teofilo na larawan ng katatagan, katapangan, at tunay na pagmamahal sa ating bayan,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, naglingkod si Gamutan bilang commanding officer ng Headquarters Company ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army Reserve sa Bohol noong World War II.

Siya rin umano ang pinakamatanda sa apat na natitirang war veterans sa Davao City.