Taal Volcano, yumanig pa ng 14 beses
Yumanig pa ng 14 beses ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Sa pagsubaybay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa sitwasyon ng bulkan, ang sunud-sunod na pagyanig ay naitala nitong Martes ng madaling araw hanggang Miyerkules ng madaling araw.
Nitong Hulyo 10, nagbuga ng 3,482 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan ibinuga ng bulkan nitong Hulyo 10.
Nagkaroon din ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na nagdulot ng vog o volcanic smog na dulot ng pagbuga ng sulfur dioxide.
Naobserbahan din ng ahensya ang 2,400 metrong taas ng usok na tinangay ng hangin pa-timog-kanluran.
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures dahil sa nakaambang phreatic explosion at pagbuga nito ng abo.
Nasa level 1 pa rin ang alert status ng bulkan, ayon pa sa Phivolcs.