Salceda, no comment sa bagong logo ng PAGCOR
Salceda, no comment sa bagong logo ng PAGCOR
Tumanggi si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na magbigay ng komento hinggil sa kontrobersyal na bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na pinag-uusapan din ngayon ng netizens.
Matatandaang umani ng samu't saring komento at reaksyon mula sa netizens ang nasabing logo. May iba na nagsabi na ginaya ang disenyo nito sa isang sikat na gasolinahan, at mukha raw itong sungay ni satanas.
Maki-Balita: Netizens, ‘di natutuwa sa bagong logo ng PAGCOR: ‘Parang gasolinahan, sungay ni satanas’
Sa ulat ng Manila Bulletin, hiningan ng reaksyon si Salceda hinggil sa bagong logo.
"As with the DOT (Department of Tourism) slogan, which I refused to comment on, I cannot pretend to be an authority on creatives. If the procurement is above board and compliant, I have no issue," saad ni Salceda nitong Miyerkules, Hulyo 12.
Ang tinutukoy ng House Committee on Ways and Means chairman ay ang bagong slogan ng DOT na "Love the Philippines."
Dahil sa pagtangging mag-komento sa logo ay pinuri na lamang ni Salceda si PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco.
"What I can comment on is Chairman Al Tengco’s performance as PAGCOR head. It has been impressive. It’s Q1 (first quarter) 2023 income was 50.59 percent higher year on year, and I expect them to meet their 224.8-billion gross gaming revenue target this year," anang mambabatas.
"He has negotiated a higher government share in revenues of slot machine terminals, and is doing his best to clean up PAGCOR assets and financials in preparation for possible privatization," pagpapatuloy pa ni Salceda.
"So, in judging PAGCOR, I would focus on that mandate and on progress made."
Isinapubliko ng PAGCOR ang kanilang bagong logo sa kanilang ika-40 anibersaryo na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sa Marriott Hotel Manila.