Puso sa puso at kapit na kapit ang natunghayang bakbakan sa PhilSports Arena nang nagharap na ang koponang F2 Logistics “Cargo Movers” kontra Choco Mucho “Flying Titans.”

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League nitong Martes ng gabi, Hulyo 11, makikita ang score sets tally na, 25-21, 17-25, 25-17, 21-25, 16-18 na umabot sa limang sets at pumabor sa F2 Logistics.

Dahil sa pagkapanalong iyon ng “Cargo Movers”, nananatili silang “undefeated” sa Premiere Volleyball League na 3-0 win-loss record habang bumaba naman ang “Flying Titans” sa 2-1 win-loss record para sa unang beses nilang pagkatalo.

Sa kabilang banda, naging madikit at kapana-panabik ang laban na halos nagpapalitan lang ng score ang dalawang koponan sa ika-5 at deciding set ng laro na nakuha ng “outside spiker” na si Ivy Lacsina ang huling kinakailangang puntos para makamit ang panalo na 16-18.

National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Sa huli, nakamit ng “opposite spiker” na si Kim Kianna Dy “KKD” ang “Player of the Game” na siyang nagkamit ng kabuuang 24 points na mula sa kaniyang 21 attacks, 2 blocks at 1 ace.