Back-to-back “Player of the Game” ang nakamit ng F2 Logistics “Cargo Movers” player na si Kim Kianna Dy “KKD” matapos ang naging laban kontra Choco Mucho “Flying Titans” nitong Martes, Hulyo 11, 2023.

Sa Facebook post ng Premier Volleyball League noong Hulyo 1, matatandaang sa laban ng F2 Logistics kontra Cignal, si Dy rin ang itinanghal na player of the game na nakakuha ng kabuuang 23 points mula sa kaniyang 20 attacks at 3 blocks.

Makikita ngayon sa Facebook post ng parehong page nitong Martes, Hulyo 11, ang kabuuang 24 points namang nakuha ni Dy na mula sa kaniyang 21 attacks, 2 blocks at 1 ace na siyang naghirang sa kaniya bilang player of the game.

Sa kabilang banda, tinapos ng F2 Logistics ang naging laban kontra Choco Mucho sa 5 sets na may score sets tally na, 25-21, 17-25, 25-17, 21-25, 16-18.

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Maraming Pinoy women's volleyball fans naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Dy na nagbigay-komento sa naturang Facebook post:

“Forever a fan of yours, point city!!”

“I love you my KKD! You are truly a reliable player of this team!”

“INDEED ITS POINT CITY NIGHT, SO INSPIRED.”

“Forever lodiii KKD Point City!!!!”

“May lucky charm kanina e. Congrats, KKD!”

“Congrats! Point City Pretty.”

“DY-SERVE!!!! grabe ka Point Cityyyy!”

Samantala, makikita namang dumalo at nakasuporta ang Filipino-American professional basketball player na si Dwight Ramos na kaniyang kasintahan na tila siyang nagsilbing “lucky charm” para sa kaniyang laro.