Mainit na pinag-uusapan ngayon ang bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na isinapubliko nitong Martes, Hulyo 11. 

Isinapubliko na ng PAGCOR ang kanilang bagong logo sa kanilang ika-40 anibersaryo na dinaluhan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sa Marriott Hotel Manila.

Pinuri ni PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco ang bagong logo. Aniya, sumasalamin daw ito sa isang "beacon" na sumasagisag sa "guidance, leadership, at direction."

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"The new PAGCOR logo incorporates the element of fire associated with energy, inspiration, passion, and transformation. It symbolizes the flame that ignites change and drives progress," paliwanag ni Tengco.

"The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way,” dagdag pa niya.

Kumakalat din ngayon sa social media na ang contract price ng paggawa ng logo na umabot sa P3,035,714.28.

Gayunpaman, hindi natuwa ang mga netizen dahil parang ginaya lang daw ang logo sa isang sikat na gasolinahan. 

Makikita rin na trending topic ngayon sa Twitter ang PAGCOR. Habang isinusulat ito, umabot na sa 2788 tweets.

"P3M na yarnnnn? parang ginaya lang sa Petron ah"

“Bakit naman ninakaw yung design sa Petron"

“No way PAGCOR just chose a logo that’s so similar to Lucky Me’s logo. Never tell us this costs huge sums of money. “Designer” can’t even understand basic color theory and how tf blue and red connects with gaming and amusement in such that they used gradient for what."

"Seeing #PAGCOR new logo, maka question man sad tas atung design ani. Kung maka 3M nmn lang d.i kos pa gradient2 lang unta d nako magkapoy2 ug blending. One logo worth 3M na murag wai effort and then here I am working my ass off sa pila ka design then wala katunga ang sweldo"

 

"Super headline ng gobyerno natin lately. From the Love Philippines campaign, to the new PAGCOR logo, to the multimillion laptop procurement, to the sexy dancer of a command conference, what an admin I must say! Galing talaga ng bagong Pilipinas! Kakaproud!!!"

 

"Ano ba yang bagong logo ng pagcor...pangdemonyo! Wala bang matinong pwde gumawa ng matinong logo? Magkano naman kaya nagastos dyan including the collaterals at mga bagong uniform ng pagcor employees with the new logo"

 

"Ampanget ng LOGO ng @PAGCOR Tiba-tiba na naman ang kumangkam sa 3 Milyon. Hahaha!"

"Antaas ng presyo, ang baba ng kalidad."

"mukhang sungay ni Satanas yung bagong logo ng PAGCOR"

"Hindi na talaga ako naniwala na developing country tayo. Grabeh lang talaga corruption. How can you sleep soundly at night PagCoR?"

 

""energy. inspiration. passion. transformation.” where the hell are those, any of it in the logo design? plus what has those words got to do with PAGCOR? they sound like random words picked from a thesaurus."

"in fairness, nilagyan nila ng sungay ang pagcor dahil sa mga kalokohan na nangyayari dyan."

"The new Pagcor logo could have been done by a professional graphic artist for wayyyy less than the exorbitant 3M pesos. Kickback and corruption are just so glaring!! 31M people, kaya pa ba?"

Samantala, wala pang pahayag ang Malacañang hinggil sa bagong logo.