Inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie” sa mga sinehan sa Pilipinas.

Matatandaang inihayag ng MTRCB noong Hulyo 4 ang pagsusuri nito sa nabanggit na pelikula matapos i-ban sa Vietnam dahil sa mga eksenang nagpapakita ng mapa na may nine-dash line ng China.

MAKI-BALITA: ‘Matapos i-ban ng Vietnam’: Pelikulang ‘Barbie’, sinuri ng MTRCB

Sa isang liham na ipinadala kay Senador Francis Tolentino, sinabi ng MTRCB na walang basehan para i-ban ang Barbie dahil wala umanong malinaw o tahasang paglalarawan ng 'nine-dash-line' dito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"The Board believes that, all things considered, it has no basis to ban the film 'Barbie' as there is no clear nor outright depiction of the 'nine-dash-line' in the subject film, in comparison to films such as 'Abominable' and 'Uncharted'," anang MTRCB.

Ipinahinto ng MTRCB ang pagpapalabas sa bansa ng mga pelikulang "Uncharted" (2022) at "Abominable" (2019) dahil umano sa pagpapakita ng “nine-dash line” claim.

MAKI-BALITA: Hollywood movie na ‘Uncharted’, pinull-out sa Philippine cinema dahil sa isang eksena

Samantala, sinabi ng MTRCB na humantong sila sa desisyong huwag i-ban ang Barbie sa Pilipinas matapos magsagawa ng dalawang “meticulous screenings.”

Pagdating sa pangalawang deliberasyon, kumonsulta umano ang MTRCB sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Office of the Solicitor General (OSG) upang matukoy kung ang mga linya sa kontrobersyal na mapa ng mundo sa pelikula ay naglalarawan ng nine-dash line.

"We have similarly sought the opinion of a legal expert on the West Philippine Sea during the deliberations in order to gather as much resources to arrive with a fully-informed decision regarding this matter," saad pa nito.

Sinabi naman ng MTRCB na bibigyan nila ang “Barbie" ng PG rating, nangangahulugang kinakailangang may gabay ng magulang o guardian ang mga manonood ng pelikula na mas bata sa 13 ang edad.

Nagpahayag naman si Tolentino ng tila pagkalungkot dahil sa nasabing desisyon ng MTRCB hinggil sa pelikula.

MAKI-BALITA: Sen. Francis Tolentino, nalungkot sa desisyon ng MTRCB sa pelikulang ‘Barbie’

Nakatakdang magbukas ang “Barbie” sa Philippine cinemas sa darating na Hulyo 19.