Nakapagtala ng 285 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa nitong Miyerkules, Hulyo 12.

Ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay bumaba sa 6,132 mula sa 6,152 noong Hulyo 11, at ang nationwide caseload naman ay nasa 4,168,722 na.

Iniulat din ng DOH na pumalo na sa 4,096,091 ang bilang ng mga gumaling sa Covid-19. Nasa 66,499 ang bilang ng mga nasawi.

Ayon pa sa DOH, ang National Capital Region (NCR) ang mayroong pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng dalawang linggo (Hunyo 28 - Hulyo 12), na may kabuuang bilang na 1,003 kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinundan ito ng Central Luzon na may 726 na kaso at Calabarzon na 565.

 

Luisa Cabato