Nasa 51 clients/graduates ang pinahintulutan nang makalabas mula sa Department of Health (DOH) – Dagupan Treatment and Rehabilitation Center (DTRC) matapos na matagumpay na makatapos ng 18-buwang rehabilitation and treatment.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni DTRC Medical Chief, Rosalina N. Caoile na tinitiyak ng center na ang bawat client o graduates na umaalis ng kanilang pasilidad ay pawang drug-free na at may bitbit na positibong pananaw sa buhay.

“After graduation, we encouraged them to continue practicing healthy lifestyle, seek employment or continue their studies in school. Kailangan nilang magkaroon ng complete realization kung ano ang kanilang mithiin sa kanilang mga buhay upang magkaroon sila ng magandang buhay after rehabilitation sa tulong ng kanilang mga pamilya at mahal sa buhay,” ayon kay Caoile.

Dagdag pa niya, magkakaloob din ang center ng continuous assistance katuwang ang city government ng Dagupan upang matustusan ang recovery ng mga graduates matapos silang bumalik sa kani-kanilang komunidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang DTRC ay isang drug treatment facility ng DOH sa Region 1, na matatagpuan sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City.

Nagkakaloob ito ng abot-kaya, de kalidad at sustainable rehabilitative services sa mga substance abuse clientele, anuman ang kanilang socio-economic status at tinutulungan silang muling maging malusog at produktibong indibidwal na katanggap-tanggap sa lipunan.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni DOH – Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang bawat graduate na huwag nang bumalik sa kanilang dating bisyo at tiyakin ang pagkakaroon ng isang drug free lifestyle.

“Huwag na huwag na kayong babalik sa naranasan nyong buhay na walang kinabukasan at walang patutunguhan kundi kulungan at kamatayan,” aniya pa. “Congratulations to all the graduates. Completing the rehabilitation program is a major accomplishment worth celebrating. But staying sober is a lifelong process and we need personal strength and everyone’s support including family members, friends, and the community to fully recover.”

“Think about your future and that of your children and never look back on your previous life as a drug user,” mensahe pa ni Sydiongco sa mga graduates.