Tila nalungkot si Senador Francis Tolentino sa desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na maipalabas nang buo ang pelikulang "Barbie" sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Tolentino ang video ng kaniyang panayam mula sa isang kilalang radio station, at ipinahayag ang kaniyang naramdaman sa desisyon ng MTRCB.

“Lumabas ngayong hapon ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, at nalulungkot po tayo, at hinahayaan nilang ipalabas ng buong-buo (Barbie movie), dahil ang bilang daw po nila ay hindi 9-dash line kundi 8-dash line," anang senador sa kaniyang Facebook post.

"Para sa akin po, ito man ay 8-dash line, 7-dash line o 9-dash line, ang bahaging lumabas sa eksenang yun ay pag-aari ng Pilipinas at hindi ng China.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang video na lumabas sa Twitter ay lumabas din ang pahayag ni Tolentino tungkol dito.

"Tayo po ay nalulungkot dahil bukas po ang anibersaryo ng pagkapanalo natin sa arbitral court kung saan ipinawalang-bisa ang nine-dash line," ani Tolentino.

"Hindi po pinag-uusapan ang eight-dash line, para po sa akin, iginagalang natin ang MTRCB, ito man ay eight-dash line, seven-dash line, or nine-dash line."

"Ang nakikita ko ho rito ay ang patuloy na pagkamkam ng China sa karagatan ng Pilipinas," giit pa ng senador.

Bukod kay Tolentino, nagpahayag na rin ng kaniyang saloobin hinggil sa pagpapalabas ng nabanggit na pelikula si Senadora Risa Hontiveros.

Iginiit ng senadora na dapat magkaroon ng “explicit disclaimer” na walang katotohanan ang “nine-dash line” ng China kapag pinalabas na sa Pilipinas ang pelikulang ito.

MAKI-BALITA: Hontiveros, iginiit ang ‘disclaimer’ sa pagpapalabas ng ‘Barbie’ sa ‘Pinas

Samantala, naglabas naman ng liham ang MTRCB patungkol dito.