Umaani ngayon ng paghanga mula sa mga netizen ang isang larawan kung saan makikita ang isang pulis na tila nakikipaglaro ng board game na "chess" sa isang "person deprived of liberty."

Mas naantig pa ang mga netizen sa mababasang caption sa Facebook post ng pulis.

"No walls can separate us from being a chess player," aniya.

Anang netizens, nakabagbag ng damdamin sa kanila ang koneksyon ng isang pulis at inmate, na tumagos sa mga bakal na nakapagitan sa kanilang dalawa.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa eksklusibong panayam ng Balita, nakilala ang pulis na si PCpl Arman Louie Buban, 31-anyos, chief operation officer ng Magallanes Municipal Police Station ng Sorsogon PPO.

Isinalaysay ni Buban ang kuwento sa likod ng kaniyang viral FB post. Aniya, matagal na talaga siyang nakikipaglaro ng chess sa inmates.

"Lagi na po talaga ako nakikipaglaro and nagtuturo sa detainees last 2021 pa, ang gawaing ito ay para maibsan ang lungkot sa kanilang mga puso at magkaroon ng pinagkakaabalahan," ani Buban.

Naniniwala ang pulis na lahat ng tao ay pantay-pantay, malaya man o nakakulong, matuwid man o nakagawa ng pagkakasala sa mata ng batas.

"We must respect and love one other. Anoman ang nagawa nating pagkakasala, lahat tayo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos."

"For my fellow officers, we must observe the moral and welfare of each detainees, hindi porket nakakulong na sila, kakalimutan na. We are all sinners after all in the eyes of God," aniya pa.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 11k reactions, 7.2k shares, at 51 comments ang nabanggit na FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!