Sa kabila ng disbarment, tiwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makatutulong ang karanasan at kakahayan ni Larry Gadon sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Nanumpa si Gadon kay Marcos para sa posisyong Presidential Adviser for Poverty Alleviation sa Malacañang nitong Lunes, Hulyo 10.
MAKI-BALITA: Gadon, nanumpa na bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation
“Tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Bahagi nito ang pagtalaga natin kay G. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation,” pahayag ng Pangulo sa kaniyang Twitter post nitong Martes, Hulyo 11.
“Tiwala tayo na ang kanyang karanasan at kakayahan ay makatutulong sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” saad pa niya.
Matatandaang itinalaga ni Marcos si Gadon sa naturang posisyon noong Hunyo 26.
MAKI-BALITA: PBBM, itinalaga si Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation
Dinisbar naman ng Supreme Court si Gadon noong Hunyo 28 kaugnay ng kaniyang video sa social media kung saan pinagmumura nito ang mamamahayag na si Raissa Robles noong Disyembre 2021.
MAKI-BALITA: Atty. Gadon, na-disbar na!