Binatikos ni Senator Christopher Lawrence Go ang Maynilad Water Services dahil sa pasya nitong magpatupad ng water service interruptions sa malaking bahagi ng Metro Manila na resulta ng pagbabawas ng suplay mula sa Angat Dam.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Katwiran ng senador, kaya ginawang isinapribado ang Maynilad upang magbigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga customer.

"Alam niyo, ang ating mga kababayan nagbabayad po yan ng tama at sapat. Dapat ibalik po ito sa maayos na serbisyo," ani Go nang mamahagi ng ayuda sa mga nasunugan sa Novaliches, Quezon City.

"Gawan niyo po ng paraan. Napakahirap po nang walang tubig, napakaimportante niyan - diyan tayo umiinom, hugas lalo na ngayon nasa panahon tayo ng pandemya. Kailangan yung sanitation, malinis tayo parati. So, gawan niyo po ng paraan," pagbibigay-diin ng senador.

Matatandaang inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na babawasan nito ang isu-supply na tubig sa MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System) na nagpasya ring magbawas ng suplay sa Maynilad.

Idinahilan ng NWRB ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig ng dam.

PNA