“Love is patient, love is kind… love never fails.”

Nag-post si Batangas Vice Governor Mark Leviste nitong Martes, Hulyo 11, ng ilang bahagi ng Bible verse hinggil sa kahulugan ng “pag-ibig” matapos kumpirmahin ni Queen of All Media Kris Aquino na natapos na ang kanilang relasyon.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Leviste ang ilang parte ng Bible verse na 1 Corinthians 13:4–8.

Courtesy: Mark Leviste/IG screengrab

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never fails," nakasaad sa IG story ni Leviste.

Nakalakip din sa naturang IG story ang larawan nila ni Kris sa United States kung saan ito nagpapagaling.

Matatandaang ang naturang larawan din ang ginamit ni Kris sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Hulyo 10, nang ihayag niyang hiwalay na sila ni Leviste.

"I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, I’m self-aware enough to know that a long-distance relationship will be next to impossible for us to maintain,” ani Kris sa naturang post.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, kinumpirma ang hiwalayan nila ni Mark Leviste

Nasa United States ngayon si Kris para magpagaling hinggil sa kaniyang kalusugan.