Nagbigay-paalala ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa kaniyang followers sa umano’y modus ng scammers tungkol sa paggamit ng kanilang “video greet.”

Sa Instagram stories ni Jak nitong Lunes, Hulyo 10, makikita ang compilation ng screenshot ng pag-uusap nila ng nasabing scammer.

Ayon kay Jak, kinukuha ang number ng artista sa kapwa lang din nilang artista at dito na raw hihingi ang scammer ng “video greet” para sa ‘di umanong event na ini-inquire nito para sa kanila.

“MODUS NIYA, KUNIN NUMBER NG IBANG ARTISTA SA ARTISTA DIN TAPOS HUMIHINGI SIYA NG VIDEO GREET SA EVENT NA INI-INQUIRE NIYA NA RAKET!” aniya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kabila nito, nagpaalala naman si Jak na huwag basta-basta maniniwala at magbigay ng down-payment sa scammers na may kinalaman sa video greet ng artista.

“PAALALA LANG PO: ‘WAG PO KAYO BASTA-BASTA MAGBIBIGAY NG DOWN-PAYMENT SA MGA SCAMMER NA GUMAGAMIT NG VIDEO GREET NG CELEBRITY!” dagdag pa niya.

Sa huli, sinabi pa  ni Jak na huwag na lang i-entertain ang video greet na pinagsendan pa ng kanilang naturang video.

“SA NASENDAN PO NG VIDEO GREET NAMIN, PLEASE DO NOT ENTERTAIN PO!” anang Jak.