Babawasan ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang singil sa kuryente ngayong Hulyo.

Sa abiso ng nasabing kumpanya, aabot sa ₱0.72 kada kilowatt hour (kwh) ang ibabawas sa singil nito ngayong buwan.

Idinahilan ng Meralco ang mababang singil sa kuryente ng mga supplier.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Dahil dito, mababawasan ng ₱144 ang babayaran ng mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, ₱216 naman sa kumokonsumo ng 300 kWh, ₱288 naman sa kumokonsumo ng 400 kWh at ₱360 naman sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.

Kaugnay nito, umapela ang Meralco sa mga customer na mag-apply ng lifeline discounts kasunod na rin ng inamyendahang Lifeline Rate program nito.