Inanunsyo ni Pope Francis nitong Linggo, Hulyo 9, na magluluklok siya ng 21 mga bagong kardinal mula sa iba’t ibang dako ng mundo sa darating na Setyembre ngayong taon.

Sa ulat ng Agence France-Presse, ang mga pangalang inihayag ni Pope Francis noong Linggo ay kinabibilangan ng kaparian sa mga rehiyon kung saan lumalago umano ang Kristiyanismo, tulad ng Latin America, Africa at Asia.

Kabilang din umano sa mga arsobispo na magiging kardinal ay mula sa Juba, South Sudan, Cape Town, South Africa, at Tabora, Tanzania. Kasama rin sa listahan ang mga obispo mula sa Penang, Malaysia, at Hong Kong.

Bukod dito, magiging kardinal din umano ang Italyano na si Claudio Gugerotti, ang kasalukuyang prefect para sa Dicastery of the Eastern Churches, at si Victor Manuel Fernandez, mula sa Argentina na pinili ni Pope Francis noong Hulyo upang maging pinuno ng makapangyarihang Dicastery for the Doctrine of the Faith.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kasama rin umano sa listahan mula sa Latin America ang emeritus archbishop ng Cumana, Venezuela, at isang Capuchin priest mula sa Buenos Aires.

Ang naturang pagluluklok ang magiging ika-siyam na paglilikha ng mga kardinal sa ilalim ni Pope Francis.

Ginanap umano ang huling consistory noong Agosto 2022, kung saan nagluklok si Pope Francis ng 20 mga bagong kardinal.

Ang mga kardinal ay nagsisilbing nangungunang tagapayo at tagapangasiwa ng papa.