“Above the clouds of Jupiter ☁️”
Nagbahagi ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng larawan ng close up look ng surface ng Jupiter na kinuhanan umano ng Voyager 2 na nakarating malapit sa naturang planeta noong 1979.
“On July 9, 1979—44 years ago today—Voyager 2 made its closest approach to Jupiter, the largest planet in our solar system,” saad ng NASA sa Instagram post nitong Linggo, Hulyo 9.
“Voyager 2 flew less than 350,000 miles (563,000 km) above the gas giant's cloud tops, getting a close-up look at the storms that make up the Great Red Spot.”
Pinag-aralan umano ng Voyager 2 ang “moon lo” ng Jupiter sa loob ng 10 oras. Doon ay nakumpirma rin daw ang pagkakaroon ng mga aktibong bulkan, at natuklasan ang isang dating hindi kilalang buwan, na kalaunan ay pinangalanang Adrastea.
“Voyager 2 went on to explore Saturn, Uranus, and Neptune before beginning the interstellar journey that it continues to this day,” saad ng NASA.
“[It] left the solar system's heliosphere, the protective bubble created by our Sun, in 2018, and is still sending back data from more than 12 billion miles (20 billion km) away,” dagdag nito.
Nakuhanan umano ang naturang close up look ng Jupiter noong Hunyo 29, 1979, ilang sandali bago ang pinakamalapit na paglapit ng spacecraft sa Jupiter.