Kinubra na ng first-time bettor mula sa Pampanga ang kaniyang napanalunang mahigit ₱41 milyon sa Mega Lotto 6/45, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Hulyo 10.

May be an image of 2 people and text

photo courtesy: PCSO/FACEBOOK

Ayon sa PCSO, ang naturang lotto game ay binola noong Hunyo 2, 2023 na may winning combination na 25-15-05-11-09-03 at ₱41,256,521.60. Dagdag pa nito, first time lamang daw tumaya ng babae sa lotto.

May be an image of money, ticket stub and text that says 'A:02 MECLOTTO 6/45 NATIONAL LOTTERY 13 16 福 30 09 11 25 09 05 1316 54-0429-1 Ticket Price: P40.00 Draw 02500 FRI w 02-Jun-23 02-Jun-23'

photo courtesy: PCSO/FACEBOOK

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinubra na rin ng lucky winner ang jackpot prize noong Hunyo 8.

"The Pampangueña claimed her prize on June 8 and expressed her happiness that she can now improve her family's living conditions and start a business that will serve as a stable source of income. It took her four times to confirm that she had the winning combination, and when it finally sank in, it made her emotional," pahayag ng ahensya.

Tiniyak din ng PCSO na mananatiling confidential ang personal na impormasyon ng lucky winner.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng ahensya ang solo winner na magtungo sa kanilang main office sa Mandaluyong City upang makubra ang premyo na kakaltasan ng 20 porsyentong buwis alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.