Nangako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Southern Leyte kamakailan.

Sa Facebook post ng DSWD, tinatayang nasa 297 pamilya o katumbas ng 1,118 indibidwal ang apektado ng insidente.

Kabilang sa nasabing bilang ang mga mangingisda na residente ng Barangay Benit, at Brgy. Timba sa San Ricardo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi naman ni DSWD-Eastern Visayas regional Director Grace Subong, nakipagpulong na siya kay San Ricardo Mayor Roy Salinas upang alamin kung ano ang maaaring ibigay na tulong sa mga residente.

Kaugnay nito, lumabas sa paunang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagmula ang bumulwak na langis sa isang pampasaherong barkong nakadaong sa Port of Benit nitong Hulyo 7 ng umaga.