Pormal nang nanumpa si Larry Gadon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation sa Malacañang nitong Lunes, Hulyo 10.

Nagbahagi si Gadon ng mga larawan sa kaniyang Facebook post hinggil sa naturang panunumpa niya sa posisyon.

“Maraming salamat, President Bongbong Marcos,” aniya sa kaniyang post.

Matatandaan namang dinisbar na ng Supreme Court si Gadon kaugnay sa kaniyang video sa social media kung saan pinagmumura nito ang mamamahayag na si Raissa Robles noong Disyembre 2021.

Eleksyon

Kontra Daya, iba pang grupo nagdaos ng kilos-protesta para kalampagin Comelec

MAKI-BALITA: Atty. Gadon, na-disbar na!