Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Lunes ng gabi, Hulyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:01 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Llorente, Eastern Samar, na may lalim na 56 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa City of Borongan, EASTERN SAMAR.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Borongan, EASTERN SAMAR

Intensity IV - Dulag, LEYTE; Gandara, SAMAR

Intensity III - Basey and Marabut, SAMAR; Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Intensity II - Can-Avid, EASTERN SAMAR; Villaba, Mahaplag, City of Ormoc, Calubian, and Carigara, LEYTE; Rosario, NORTHERN SAMAR

Intensity I - Albuera, LEYTE; Villareal, SAMAR

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.