Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng gabi, Hulyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:05 ng gabi.
Namataan ang epicenter nito 99 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 33 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.