Hinatak na ang isang cargo vessel na halos tatlong taon nang nakasadsad sa karagatang bahagi ng Balayan, Batangas.

Sa social media post ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog, hinila ng Motor Tug ASC CRISANTA ang MV Hanako mula sa Barangay Palikpikan, Balayan nitong Hulyo 8.

Binantayan ng Coast Guard ang isinagawang towing operations upang matiyak na hindi na ito magdulot ng panganib sa lugar.

Ang nasabing barko ay nasa anchorage area na sa pagitan ng karagatang sakop ng Baha at Talibayog sa Calatagan, Batangas, ayon pa sa PCG.

Probinsya

51-anyos na magsasakang nagpapahinga sa fishpond, patay nang barilin ng 19-anyos na lalaki

Matatandaang sumadsad ang nasabing barko matapos hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin sa gitna ng pananalasa ng bagyong 'Quinta' noong Oktubre 2020.

Kasabay ng naturang barko na sumadsad sa lugar ang MT Ocean Queen 9 na parehong pag-aari ng Amparo Shipping Lines-Manila.